Camiguin: Ang malaparaisong lugar ng Pilipinas.
Ang Pilipinas ay isang lugar na punk ng yaman. Mayaman sa magagandang tanawin at sa ibat ibang pagkain. Ang mga tao dito ay Hindi kagaya ng iba na napakagana ng buhay ngunit kontento at masaya. Kaya naman talaga pinunpuntahan ng mga tao taking sa ibang bansa. Para sa kanila ay para bang nasa paraiso. Ang taking naman talaga ng pagkakalikha ng Diyos.
Isa sa na lugar sa Pilipinas ay ang Mindanao. Kaya naman talaga pinaglalabanan ang lugar na I to ng mga rebilde. Kahit maliliit ang mga isla dito ay napakalaki naman ang angling yaman ng lugar. May mga problema man ang lugar sa terrorismo, napakarami parin talagang naakit sa malaparaisong lugar. Kaya naman napakalakas ng turismo ng Pilipinas. Gusto ng mga tao na maging bahagi sa malaparaisong lugar.
Isa sa pinakamaliit ngunit napakayaman sa likas na yaman ay ang Camiguin Island. Napakaliit ng isla ngunit para bang paraso ang lugar. Isa sa pinakapaboritong puntahan dito ay ang Mantigue Island at White Sand. Dito makikita ang isa sa pinakapuro at pinakamaputi na buhangin sa baybayin ng dagat ng Pilipinas. Sikat din ito sa ibat ibang klase ng bukal na laws. Takam na takam rin ang mga dayuhan sa napakatamis na lansones.
Ang lugar na ito ay napakaganda talaga gaya ng ibang magagandang tanawin ng mundo. Napakarami man ang pinagdaanan ng lugar gaya ng paglubog ng sementeryo sa ilalim ng dagat na naging isa sa tanawin sa lugar. Lalabas at lalabas parin talaga ang angking yaman ng lugar. Sana ang lugar ay mapanatili ng mga tao. Bigyan nation ng pansin at bisitahin ang sariling atin. Halo na kayo't mamangha at maging bahagi sa isa sa napakayamang lugar ng Pilipinas, ang Camiguin Island.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento